June 9, 2023 [‘Yung araw na pumunta kami sa isang guava farm]

Darby Raul
3 min readJun 10, 2023

Gusto ko sanang subukang muling mag-journal ng taglish. Parang mas naeexpress ko kasi sarili ko kapag hindi puro English o purong Tagalog. Minsan gagamit din ako ng Kapampangan in between. Bakit hindi, diba? Sabi nga ni Trixie and Katya, “This is my show, not yours”.

Gusto ko rin nang word and photo dump. Para naman mamaximize ko ang Medium subscription ko, dito na lang ako magsusulat. Kung may magbasa, edi good. Kung wala, ok din. Para sa akin lang talaga ito.

Kapag nakakapagjournal ako, madalas nacleclear ‘yung utak ko. Journals could really serve as emotion dump. Tried and tested na ito. Madalas lang talaga makaligtaang magsulat because…..LIFE HAPPENS.

Halos trabaho ang ginawa ko ngayong araw. Nagvisit kami sa isang client na mayroong guava farm. Humingi sila ng tulong sa amin para ma-convert ang mga “bad guavas” into vinegar. Naexcite kami kaya pinuntahan namin sila keysa sa magusap lang kami via phone.

Bago ko ituloy, para lang sa context, nagtratrabaho ako sa isang government agency kung saan tumutulong kami sa mga Micro, Small and Medium enterprises. We provide them with platforms para makabenta sila nang mga products. Support lokal ang mantra namin.

Going back, malaki ang taniman nang guava nila. Pero dumadaing sila kasi hindi nila alam ang gagawin nila sa mga nasirang guava. Nasabi nila sa amin na noong Bagyong Ulysses, halos 10 toneladang Guava ang nasayang. Doon nila sinubukang iconvert ang mga nasirang guava at gawin itong suka. Pero ang problema, it will take around a year to ferment guava into vinegar. At least, ‘yun ang alam nila.

Pero marami na ring technologies para mapabilis ang fermentation. Yan ang kailangan naming iresearch para marecommend sila sa tamang ahensya. Para sa akin, kung hindi lang marami ang ginagawang projects sa work, ang sarap matutukan ang mga ganitong communities. At ideally, ganito rin sana nakikita nang iba naming kasamahan ang importansya ng ginagawa namin.

As I write this, mayroon na ring ibang agencies ang nagsignify ng tulong. Abangan natin sa susunod kung ano na ang mangyayari dito sa client na ito. I-pause muna natin.

Mga ibang ganap ngayon:

Nabreak ko ang PR ko sa deadlift. 80kg na ang huli kong buhat. Bago ang major surgery ko last year, nakakabuhat lang ako nang around 60kg. Nakakaproud ang mga ganitong wins. Pero pangit pa rin ang eating habits ko. No thanks sa accessibility ng fast food dito sa Pampanga. Mailap ang whole foods sa akin. I need to work on this.

--

--