June 16, 2023 [‘Yung araw na nag one-man team ako sa paglaunch ng event]

Darby Raul
2 min readJun 17, 2023

May mga araw talaga na feeling ko mag-isa aka kahit maraming tao sa paligid ko. Noong mga nakaraang araw, ganyang ang nafeel ko sa opisina namin. Malaya kong masasabi dito na isa ako sa may pinakamaraming accomplishments sa trabaho. Mayayabang ko rin na marami na rin akong nakuhang awards dahil dito. Pero nararamdaman ko bigla ang pagiging distant ng mga katrabaho. Alam ko, sa kabila nang mga accomplishments at awards, mayroong mga taong hindi ikakatuwa ito. Pero sa totoo lang, I just really want whats best for my clients, no matter what. Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na walang value kapag ang pangungutya ay manggagaling sa mga underperforming people.

Ngayon, naglaunch AKO ng programa. Dumating ako sa puntong ayaw ko na lang humingi ng tulong, maliban sa opening prayer. Mula sa menial tasks hanggang management tasks, ako na ang gumawa. May mga araw talaga na parang mas gugustuhin kong ako na lang gumawa kaysa sa iutos sa iba, kahit nasa posisyon akong mang-utos. Wala ring nagvolunteer na tumulong.

Nakakatuwa nga na out of the blue, minessage ko ang mga kaibigan ko na mag-crash ng event. Naappreciate ko ito lalo na nung bigla silang nagsend ng screenshots sa akin ng event, dahil nakaligtaan ko na dahil ako rin ang host at facilitator. James and Poy, kung nababasa niyo ito, maraming salamat!

Naging matagumpay naman din ang event. It could be better. Pero matagumpay pa rin.

Napanood ko na rin ngayon ang Spiderman: Across the Spiderverse. Napakaganda talaga neto. Sana ipalabas agad ang 3rd movie kaso sa 2024 pa raw ata. Napakagaling ng animation. Sayang hindi ko pinanood sa cine at napanood ko lang, ehem, somewhere. *winks*

--

--