June 15, 2023 [‘Yung araw na nag earthquake]

Darby Raul
2 min readJun 16, 2023

Nagearthquake!

Holiday ngayon. Memorial day ng pagputok ng Mt. Pinatubo.

Halos nagstay lang ako sa bahay buong araw dahil masakit ulo ko. Hindi rin ako nakapag-gym. Pero atleast, nakapanood din ako ng bagong pelikula. ‘Yan din ang gusto kong gawin sa mga susunod na linggo. Narealize ko na nastop na ata noong 2016 ‘yung consistent movie night ko ng mga magagandang pelikula. Naiwan na ako sa cultural exposure pagdating sa mga pelikula.

Isa sa mga rason siguro ay parang nabawasan ang aking endurance sa panonood. Bibihira lang din ako makatapos ngayon ng mga series. Last time, nanood ako ng Thai film na Hunger. Ang ganda ng pelikula, pero hindi ko rin tinapos at pinakwento ko na lang anong nangyari. Masyado ata akong na-obsess sa time management na nanghihinayang akong umupo ng dalawang oras. Narealize ko na kailangan din ng cultural exposure regularly.

Ngayon, inistart ko sa basic. Dahil showing ngayon ang Spiderman Across the Spiderverse, pinanood muna ang Spiderman Into the Spiderverse. Hindi ko inexpect na ganito kaganda ang animation niya. Sana mapanood ko sa cine ang Across the Spiderverse. Mayroon ba kayong gustong irecommend na pelikula? Comment below.

Also, dahil house arrest ako today dahil sa sama ng pakiramdam, sinubukan ko ulit magcrop ng mga damit. Makikiuso muna ako sa mga GenZs.

Kumusta ang araw niyo?

Photodump

exhibit A
exhibit b

--

--