June 13, 2023 [‘Yung araw na nagreport-back ako sa trip ko Bali]

Darby Raul
3 min readJun 15, 2023

Akala nang lahat, lunes ngayon dahil tumama ang long weekend ng lunes. May mga kaopisinang nag-White kahit ang uniform kapag Tuesday ay Blue. Malamig pa rin at maulan ang panahon.

Magiging mahabaaaa ang linggo na ito. Maraming kailangang gawin sa trabaho at maraming mga activities na gagawin in and out of work. Sana hindi ko makaligtaang magsulat dito. Ang goal ay hindi umabot ng dalawang araw ang missed-posts, para hindi mahirap alalahanin ang mga dapat alalahanin.

Ngayong Tuesday, may tatlo akong major tasks:

  1. Facilitate ang Product Development Program
  2. Long overdue reporting back session ko noong pinadala ako sa Indonesia last year.
  3. Script-reading para sa Dad’s day skit namin sa church sa darating na linggo.

Product Development.

Isa sa mga paborito kong projects na hawak sa trabaho ay ang PRODEV. Dito namin tinutulungan ang mga entrepreneurs na improve ang current branding nila sa mga produkto nila. Naghahanap kami ng mga qualified designers para tumulong. Ngayong araw na ito ang Phase 2 ng proyekto. Phase 2 ay presentation of designs ng mga designers sa mga beneficiaries.

Ang designer namin ay si Novia, isa sa mga naging matalik na ring kaibigan ko dahil sa trabaho. Napakagaling at napakafresh ng mga ideas niya. Siguro dahil isa siya sa mga batang designers namin kaya hindi monotonous ang mga ginagawang designs.

Report-Back

Context: Alam niyo ba na mayroon tayong bagong batas to help and assist the creative industries? It’s called the Philippine Creative Industries Development Act (PCIDA). Napasa ito bilang isang batas noong 2022. Aktibo ang government to promote and implement this new law. So last year, pinadala ako sa Bali, Indonesia para sa isang benchmark mission on how Indonesia implements programs under the Creative sector.

Ngayong araw lang ako nagkaroon ng proper audience to do the report back session. Excited akong magreport actually. Dahil bago pa lang ang batas, mas free to implement ang mga programs pero kailangan ding maging strategic. I was happy to share the learnings from that Indonesia trip.

Kasama sa report back ang action planning kung ano ang gagawin ng rehiyon sa pagimplement ng mga programs under the PCIDA.

Looking forward ako sa magiging role ko sa big project na ito.

Script-Reading

Last month, kinausap ako ng isang kaibigan sa church. May gusto raw siyang gawing skit na may kasamang singing. Ako ang gusto niyang gumanap sa isa sa mga lead characters. So nagpractice kami ngayon ng script. Medyo nahirapan akong iportray at i-internalize ang role. Hindi ko rin naman bread and butter ang pag-arte. Pero susubukan ko nang malala ang role, para hindi rin madisappoint sa akin ang kaibigan ko. The singing part, wala namang problema. Sa Sunday na ito gagawin kaya medyo kinakabahan na rin ako habang sinusulat ko ito.

Natutunan ngayong araw:

  • Ang confidence pala in general ay isa ring conscious decision. Isa siyang internal factor na magrerelfect lang externally. Isa ito sa mga pagaaralan ko sa mga susunod na araw.

Photo Dump

--

--