June 12, 2023 [‘Yung huling araw ng Independence Day long weekend]

Darby Raul
2 min readJun 13, 2023

I feel bad na ang Independence Day ay tinuring ko lang isang long weekend. Sorry na po. In my defense, hindi naman talaga tayo malaya. charot.

Natutuwa ako na may mga constant readers ako dito. Kahit dadalawa ot tatatlo lang, naappreciate ko na binubuksan nila ang Medium para mabasa ito. Mas intimate nga naman ang long form kesa sa mga random stories at posts sa Instagram. Ikaapat na araw na ng pagsusulat ko rito nang konsistent.

Kakaiba itong long weekend na ito. Kadalasan, pupunta somewhere o sa Maynila. Pero nagstay lang ako sa bahay at sa area. Pero dahil gusto ko ang panahon na makulimlim, masaya naman din.

Nagkayayaan kaming magkitakita ng mga barkada ko noong college. Last ko silang nakita noong November pa. Nakakamiss din kasi ang energy nila lalo na sila ang “go to” friends ko na madaling makarelate sa mga kalokohan ko. Tamang wavelength lang din at balanse. Birthday din ni Rina bukas. Nakakawarm lang nang pakiramdam kapag kasama sila.

After nang almusal, dumiretso ako sa bahay para magprepare naman sa gym. Unang araw ng second week nang bagong programa ko. Sa lahat nang programs, ito ang pinakapaborito kong gawin. Hindi nakakabore ang mga exercises at mayroong routines na bago sa akin.

Ang post-workout meal ko ay PM2 ng Mang Inasal. Isa ito sa mga simpleng comfort foods ko.

Mga natutunan ko ngayong araw:

  • OK talaga ang magset ng boundaries sa mga tao sa paligid, kahit sa mga kaibigan at mahal sa buhay.
  • OK lang ding hindi magbigay ng explanation kapag hindi maintindihan ang mga bagay ng ibang tao.

Photo Dump:

Day 1 ulit.

--

--