June 10, 2023 [‘Yung unang araw ng Independence Day long weekend]

Darby Raul
2 min readJun 11, 2023

[May mga spoilers tungkol sa Rupaul’s Drag Race All Stars 8]

Unang araw ng long weekend ngayon. Malakas ang ulan sa labas at medyo gloomy. Paboritong weather ko ang malakas na ulan. Pero after kong mapanood ang pelikulang Parasite, nagchange mind na ako. Gusto ko pa rin ang gloom, less the ulan.

Nagtambay lang ako buong araw sa bahay. Nanood lang din ng Episode 6 ng All Stars 8 at Untucked habang kumakain ng Spinach Cheese Dip Pizza ng Angel’s Pizza. Nalungkot ako na si Jaymes ang natanggal. Isa kasi siya sa mga paborito kong early-outs. Si Jimbo na lang ang natira na gusto ko doon.

Kinagabihan, nagpasundo ako kay Loris, isa sa mga matalik kong kaibigan, sa SM Telabastagan para magattend kami ng farewell party ni Teacher Amie, ang aming school principal. Board of Trustees kami ni Loris sa school ng aming church kaya kailangan akong mag-attend doon. Background lang, napili kami ni Loris na maging parte ng board dahil pareho kaming naggraduate doon. Para na rin itong volunteer work.

Nagserve si Teacher Amie sa school ng 19 years. Nakakabilib ang loyalty niya. Naging household name na rin si Teacher Amie sa amin dahil marami sa mga pamangkin ko, graduate din sa school na ‘yun. Matalik din na kaibigan ni Mama si Teacher Amie. Ngayon, aalis na si Teacher papuntang States. Wishing you all the best, cher Amie!

After ng farewell dinner, dumiretso kami ni Loris kasama si Jam sa isang coffee shop. Matagal na rin namin hindi ito nagagawa dahil super busy na rin. I enjoyed the conversations. Nakakamiss ang energy ng dalawang ito.

--

--